Home

Advertisement

REDisthenewPINK [entries|archive|friends|userinfo]
alimuong

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

public post [Apr. 12th, 2007|03:49 pm]



bakit kaya sila ganyan?
gusto kong kumain ng pinakaiin sakanila ng mga magulang nila.
o siguro nga iba ang tubig sa japan.


.salamats bhugzey.
now hu wants to say "PAKSHET" with me.
.adik.
Link3 comments|Leave a comment

abs cbn [Apr. 8th, 2007|12:03 am]
hindi niyo ba na-si-sense na ginagagu na tayo ng dos?
takte yung RUNIN tatawagin nilang tele-epiko.
sasabihin nilang kauna-unahan.

parang yung ginawa nila sa teleserye,
sine-serye, peliku-serye, tele-pelikula,


watever.

.gagu.
Link6 comments|Leave a comment

i crave... [Apr. 6th, 2007|02:34 am]
[Current Location |"work station"]
[Current Mood |idlip-ish]
[Current Music |sean lennon]


alam mo kung anong gusto ko ngayon?

kape.
yung mahal.
yung sa starbucks.
white chocolate mocha.

yung hot (!) (!)

plus. coffee conversations
plus. ubusang malay,
equals. till the break of dawn!!

everything's a heartbeat now.
like the stars glowing on ur forehead
and clouds waking up on the tip of ur tongue.


namimiss ko lang siguro ang intramuros.
pinakamaganda siya sa gantong oras.

2:39 am.

dun sa may tapat ng 7/11.
kung san ang streetlight ay amazingly awesome
at ang side walk ay ma-ulop (fog-ish)

we are a 7.50 jeepney ride to 2046.
wer forgetting is awakening
and awakening is...


-_-

tulog na me.
tulog na u.
Link1 comment|Leave a comment

isep isep [Mar. 28th, 2007|09:52 pm]
iniisip ko kung mashado ba kong
magiging masamang anak
kung itutuloy ko ang pagmo-mowel fund?

kasi gastos nanaman yun nila mami! malamang.
meaning, mahahagard nanaman sila
kakahanap ng pera ma-i-raos lang ang luho ko.

Link4 comments|Leave a comment

personal: hindi ka makakarelate kung di kita kabatchmate. [Mar. 27th, 2007|02:28 pm]

ITO ANG NAGYAYARI PAG HINDI KAYO DIREKTANG NAG-UUSAP NA MAGKAIBIGAN.
MARAMING NAKIKISAWSAW SA MGA BAGAY BAGAY 
NA SANA NAPAG-USAPAN NIYO NALANG DALAWA.

potanginang pakshet talaga 
yang mga mahilig sumabit oh!

son-of-a-tofu!!

Kaibigan???[Mar. 27th, 2007|01:09 pm]
i_pot
[Current Mood| angry]

Kaibigan???  teka, alam mo ba ang ibig sabihin ng kaibigan DWEIGHN? ang kaibigan hindi kayang magsalita ng kung anu-ano sa likuran niya! Ang kaibigan totoong tao! Marunong makiramdam!

Ito lang, masakit kasi eh. Naging tapat ako sa iyong kaibigan. lahat ng suporta binigay ko sayo.. may mga taong nagdududa sayo pero nung mga panahong iyon pinagtanggol kita! sa mga oras na nalulungkot ka, ndi ako mapakali dahil inaalala kita.. Nung oras na tila gumuho ang mundo mo dahil nalaman mong nagkatotoo ang ayaw mong mangyayari, putang ina! Gumuho din ang mundo ko nun dahil nasasaktan ka! nung mga oras na may ka date ka at inabuso ka.. alm mong gusto kitang puntahan nun para ilayo ka sa hayop na yun! nakikisympatya ako sa lungkot mo at pag masaya ka, masaya na rin ako.. at Wla kang narinig sa akin ni isang salita kahit pagkatapos na ng masaklap na nangyari sa yo.. sana naman, magpakatotoo tayo. nakakaloko kasi yung mga pinaggagagawa mo. 

Kaibigan??? kaibigan ba ang gagawan ka ng BLIND ITEM?? alam kong isa ako sa mga iyon at alam kong nagsinungaling ka nung kinonpronta ka ni gian.. may nagpatunay na na totoo na isa ako sa mga iyon!

at ano, gusto mong mag-usap tayo? para saan pa? para dagdagan yung bigat na nararamdaman ko dahil naging tapat ako sa iyong kaibigan at anung ginawa mo?
simula't sapul, wala akong ginawa sayo maging siraan ka o kung anu pa man at wala kang narinig sakin na kung anung paninira kahit sinabihan mo akong copy cat! nanahimik lang ako pero ngayon hindi ko na kayang balewalain ang mga pangkukutya mo!
 at ito lang, hindi lang ikaw ang may karapatan magkaroon ng talento maging sa pelikula at pagsulat ng tula o kung anu pa man. at ang pride, hindi nakakatulong yan para maging mabuting tao! napakabait ko sayo kahit alam kong sinasaksak mo ako habang nakatalikod!

*sinabihan mo na akong copy cat
*sinugatan mo kaligayahan ko
.... ano pa gusto mong gawin ha???? dadagdagan mo pa ang listahan?

**** AND BEING UNIQUE IS NOT ALL ABOUT HOW PEOPLE SEE YOU,  HOW YOU DRESS AND WHAT KIND OF MUSIC YOU LISTEN TO. IT'S ALL ABOUT HOW YOU MAKE PEOPLE CHANGE INTO SOMETHING THE WHOLE WORLD CAN BE PROUD OF.


LinkLeave a comment

eeeeeeeshuuuuu [Mar. 24th, 2007|10:01 pm]
sa mga gantong pagkakataon,
hindi ko gusto yung hinihiritan ako ng
kani-kanilang "MAS"

MAS nasasaktan ako.
MAS minamahal kita.
MAS nahihirapan ako.


malabo ang salitang MAS para idikit
sa isang bagay na hindi naman
pwedeng masukat ng per square meters
o ng isang tape measure.

nakakalungkot ako.
malamang ikaw din.

nasasaktan ka.
ako din.

wala nalang sanang timbangan.
kasi parehas naman tayong nahihirapan.

+++++

ipinagkikibit balikat ko nalang lahat ng nangyayari ngayon,
kasabay ng pagkanta ng NOTHING'S GONNA STOP US NOW.
pangpahupa ng tensyon sa katawan.

"Let em say were crazy, I dont care about that
Put your hand in my hand baby
Dont ever look back
Let the world around us just fall apart
Baby we can make it if were heart to heart"


masarap lang shang kantahin. kasi palaban ang banat.
nakaka-eksersize ng muscles sa bunganga.
tas' pag-itinodo mo pa, tipong patid pati litid mo.
nakakagaan sha ng pakiramdam. hehehe...

trust me. its good. vewy vewy good!


+++++++

nakakalungkot lang kasi hindi ako yung tipo ng taong
nagbabasura ng kaibigan.

Pero pag ikaw na ang isinusuka,
may magagawa ka pa ba?

pointless ang kumapit,
kung isa ka nalang humahawak eh.

kaya keber.
wag nalang.

at papaniwalain ko nalang ang sarili
kong hindi ko nga kayo kailangan.

pampalubag loob,
para mas madaling maka-move on.

hehehe....


+++++++

masayang malungkot naman.
parang Hot and spicy pancit kanton.
3 in one na cofi. HALO HALO!

basta ang ending....

aanhin ko ba ang sang katerba,
kung kalahati nun peke?

may maii-uwi naman akong iilan.
pero atleast sila, tryd and tested.
mga may tiwala sken, matibay,
matatag, parang JONEL'S BRIEF
(never nagbi-bacon)

tska... sympre alam kong
mahal ako.
hehehe...

iloveyoufriend(s).

+++++++++

Kaya bago ang journal at naka-for friends only nalang.
piling friends talaga para walang masabi.

tska, pakshet! para masabi ko pa din lahat ng gusto ko
nang wala ng pag-aalinlangan. walang responsibilidad sa iba!
walang keme!

POTANGINA! ANG PUNTO walang Peke alaman!

letche!

SPARTAN'S!!! TONIGHT WE DINE IN HELL!!!

whehehehe... labo.. labo na dito.
mas totoo. mas mapanganib!

un lang.






Link1 comment|Leave a comment

where's olive? [Mar. 24th, 2007|09:37 pm]
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

.for more hardcore monay with kunchinta on the side.
.for more daldal and more fun.
for freedom
for
sex
for
drugs
for
rakenroll



.
.
.

.for friends only.


Link22 comments|Leave a comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]

Advertisement